4angels’s Weblog

Archive for Oktubre 2007

una sa lahat maraming salamat kay pareng charlie na nagbigay ng inspirasyon para simulan ang blog na ito. isa akong masugid na tagahanga ng mga blogs…very entertaining kasi at informative. kaya eto naisipan ko na rin gumawa ng sarili kong blog gamit ang aking sariling wika para maiba naman kasi halos lahat ng blog na nababasa ko ay english (pero sa totoo lang ayoko lang pahirapan ang sarili ko…hehehe).

nais ko rin ipakilala ang aking sarili…ako si anna liza mijares-agustin, 36 yrs old at kasalukuyang naninirahan sa al-khobar, saudi arabia. this has been my home for the last 15 yrs. I came here in ’92 to be with my family and since then dito na ko nakapagtrabaho at nakapag-asawa. But i met my husband in the Philippines pero after getting married in ’96, sinama ko na rin sya dito.

marahil nagtataka kayo kung bakit nagtagal ako ng 15 yrs dito sa saudi considering the strict culture here. well, hindi kayo nag-iisa kasi ako din nagtataka. simple lang ang buhay dito, walang gimikan dahil bawal ang alak at wala din sine kaya malls at beach lang ang pasyalan ng mga tao dito. pero sa public beach hindi rin pwedeng maligo ang babae….ang weird di ba? pero katulad ng maraming pinoy, isa kami sa nagtitiyaga sa lugar na ito for financial reasons. my husband and I are so blessed kasi magkasama kami sa lugar na ito at binigyan ako ng Dyos ng preschool which is a great source of financial blessing for us. But most importantly, dito kami mas lumago sa faith namin.

naalala ko pa when i first came here in ’92…iisa pa lang ang mall na pinupuntahan namin but after a few years, biglang nagtayo ng malaking mall kaya excited ang lahat! naalala ko din ng unang nagtayo ng McDonald’s nung 1994…grabe ang haba ng pila at lahat yata ng tao ay sobrang saya at excited (isa na ako dun)! sa loob ng 15 yrs, marami na rin nabago sa saudi…dumami na ang naglalakihang malls (sine na lang ang kulang), nagkaron ng maraming starbucks, at lahat yata ng food chains sa States ay meron na rin dito, dumami ang tao at sasakyan kaya traffic na rin, unti-unti ng nagiging modern ang kanilang kabataan. pero kabasay ng pag-usad ng panahon, tumaas ang crime rate sa bansang ito…nauso ang holdapan lalo na pag bagong sweldo ang mga tao, mostly expats ang victims specially mga babae na walang kalaban-laban. but i guess kahit saang lugar sa mundo parte na ng komunidad ang ganitong mga gawain.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kami sa lugar na ito…kung kami ang papipiliin, mas masarap manirahan sa sariling bansa. Marami na kaming kaibigan na nabigyan ng despedida…kaaalis lang ng isang malapit na kaibigan papuntang Qatar. Nagbibiruan nga kami, malamang wala ng magbigay ng despedida sa amin dahil baka kami na lang matira dito among our friends. Only God knows kung hanggang kailan kami dito….basta ang alam ko, God will let us know if it’s time for us to say goodbye to saudi arabia.