4angels’s Weblog

Archive for Nobyembre 2007

habang akoy nanonood ng news kanina pinakita ang iba’t-ibang carnival sa pinas ang maaaring puntahan ngayong pasko. bigla ko tuloy naalala ang sikat na sikat na BIG BANG SA ALABANG nung dekada otsenta. siguro dalawa o tatlong beses lang ako nakapunta dun kasi bilang teenager that time hindi naman ako pinapayagan ng aking ina na lumabas tuwing gabi. i remember going there with my friends from church. naalala ko na halos puro kabataan ang pumupunta dun and mostly from ayala alabang kaya maraming sosi. i remember feeling envious sa mga may syota, parang masarap kasing pumunta sa carnival na meron kang kahawak kamay at kayakap…hehehe! naalala ko din ang sikat na sikat na giant slide kung saan libang na libang manood ang mga tao…nakakatuwa kasing panoorin ang reaksyon ng mga nag-i-slide. sayang nga lang at hindi ako matapang sa mga ganung klaseng challenge. ni hindi nga yata ako sumakay ng rides, basta pumunta lang kami dun, nag-ikot-ikot at kumain. hindi ko lang matandaan kung kelan nawala ang Big Bang sa Alabang basta ang alam ko maraming pinasaya ang karnibal na yun at isa na ako dun.

after our summer vacation in pinas, my brother excitedly texted me na meron na raw Yahoo group ang batch 88 ng Sta. Catalina de Sena (Binan, Laguna). syempre pinuntahan ko agad ang site at nagpa-member ako hoping to get in touch with my friends and schoolmates in high school. hindi naman ako nabigo at sa pamamagitan ng Ygroup na ito, nakabalita ulit ako sa aking mga dating kaibigan na halos dalawang dekada ng walang communication. salamat sa bagong teknolohiya, it brings people together kahit sa kasulok-sulukang parte ng mundo. nakakatuwang makita ang kanilang mga itsura na halos lahat ay hindi naman nagbago, syempre tumanda rin ng konti at nagtabaan. pero ang mas nakakatuwa ay ang malaman na halos lahat sa batch namin ay successful naman in our respective careers. halos lahat may asawa’t anak na (parang ako lang yata ang walang anak…huhuhu!). pero syempre ang pinaka-highlight ng aking pagme-member sa aming grupo ay para makita ulit ang ultimate crush ng bayan during our high school days (fortunately for me naging syota ko sya pero after high school na). may asawa’t anak na sya ngayon at hindi mo na masasabing minsan syang pinangarap ng mga babae sa aming paaralan….hehehe! bakas pa rin naman ang kanyang kagwapuhan kaya lang tumaba na kasi sya.

sayang nga lang at hindi ako makakadalo ng aming grand reunion on January 5…masarap sanang makita sila ng personal although most of them ay hindi naman ako kilala. when i was in high school very timid and shy ako…low profile kumbaga. kaya nung nag-member ako sa Ygroup namin wala naman nag-welcome sa akin…i can’t blame them kasi hindi naman nga ako kilala. syempre yung mga sikat lang ang nabibigyan ng pansin. pero oks lang…enjoy naman akong basahin ang mga messages nila at makita ang kanilang mga latest pictures. if given a chance, aatend ako ng reunion kaya lang hindi talaga pwede…mahal kasi ang pamasahe!

i also decided to create a yahoo group for my batch mates in college para makapag-organize din kami ng reunion. maraming nagpa-member but unfortunately nobody is interested to organize a reunion. hindi ko alam kung tinatamad sila o ayaw na nilang maalala pa ang aming masayang samahan nung college. siguro iba talaga ang samahan nung high school kung ikukumpara sa college. hindi man naging very active ang yahoo group namin, masaya na rin ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makabalita at maka-chikahan ang mga dating kaibigan.

wow napasama din pala ako sa fastest growing blog in wordpress…i’m sooooooooooo happy!!!  biglang nainggit ang aking asawa…hahaha!!! 

salamat ulit sa mga bumisita!  god bless u all!

wow!  nagulat naman ako pagbukas ng aking blog at napasama pala ang “in memoriam” sa top post for the day…ang sarap pala ng feeling!  una sa lahat, salamat kay pareng charlie who encouraged me to start blogging (hindi pwedeng hindi kita isama sa speech ko eh!)  salamat din sa mga bumisita at nagbigay ng komento specially the words of encouragement.  syempre salamat sa aking mga munting anghel…i’m sure they are so proud of their mom.  wow, feeling ko nanalo ako ng award…hehehe!!! 

salamat nga pala sa aking asawa for the scenic view of Mt. Banahaw (image header) taken on May 15, 2007 on our way to Pahiyas Festival…galing mo dear!  pang-professional!  (syempre luv ur own….hehehe!!!)

today is mom’s 58th bday….i cooked pancit and puto for her and made blueberry cheesecake and banana cake. she made so many sacrifices for us like working as yaya in Israel and here in Saudi almost 3 decades ago. sya ay napakasipag, matiyaga, matulungin, maalalahanin at higit sa lahat, mapagmahal. napakadali nyang patawanin at napakasarap tumawa…yung tipong mahahawa ka. sana habaan pa ni Lord ang kanyang buhay ‘cuz she’s such a blessing hindi lang sa family namin pati na sa ibang tao. kahit marami syang karamdaman, hindi mo ito makikita sa kanya, meron pa rin ngiti sa kanyang labi. sya ay isang tunay na TANGING INA. happy birthday ma!

happy birthday Caitlyn Elise and John Adriel (November 23, 2003-December 23, 2003)…my precious twins born prematurely at 24 weeks. we love you very, very much!!!!