4angels’s Weblog

Archive for Disyembre 2007

bagong taon na naman, ilang oras na lang tapos na ang 2007…ang bilis talaga ng panahon! it’s a good year para sa aming mag-asawa, maraming dapat ipagpasalamat hindi lang sa materyal na pagpapala but most of all sa spiritual blessings at good health sa buong family. Kaya ang prayer ko hindi lang para sa amin kundi para na rin sa lahat ay ang lubos na pagpapala ng Panginoon lalo na sa mga taong nangangailangan, kapayapaan sa mga taong nagdadalamhati, kasaganahan sa ating bansa, at pag-ibig at pang-unawa sa ating kapwa.


Maligaya at masaganang Bagong Taon sa lahat saan man dako ng mundo kayo naroon!!!

Advertisements

sa kabila ng kasiyahan at kaabalahan sa araw ng pasko mayroon isang ina na lubos na nagdadalamhati sa malagim na sinapit ng kanyang anak. we were busy preparing for our Christmas dinner when we got a text from my niece sa pinas na naaksidente daw ang anak ng aming malapit na kaibigan. 50/50 daw ang kalagayan dahil sa motorcycle accident. pero habang lumilipas ang mga oras, naging mas malinaw ang balita, hindi pala motorcycle accident ang nangyari, sya pala ay natagpuan ng mga pulis sa Canlalay, Binan Laguna in his underwear at bugbog sarado. ang sabi hinoldap daw pero bakit hindi kinuha ang motor. dinala sya sa center ng mga pulis at ang nakakainis, pinalipas pa ang halos mahigit labindalawang oras bago hinanap ng mga pulis ang kanyang bahay kaya hapon na ng december 24 ng maabisuhan ang kanyang pamilya samantalang madaling araw ng 23 sya nabugbog at nasa pulis ang kanyang complete address na nakuha sa motor. kaawa-awa ang kanyang kalagayan ng makita sya ng kanyang ina sa center, nasa isang tabi lang daw at pura suka at maputlang-maputla na kaya kaagad syang inilipat sa isang private hospital. ayon sa mga doktor, kung nabigyan daw agad sya ng first aid malamang mas tumaas ang chance nyang mabuhay…sa ngayon, 1% na lang daw ang chance nyang mabuhay dahil basag ang kanyang bungo. sobrang nakakaawa ang sinapit ng pamilyang ito…nakakapanginig ng laman na meron mga taong walang konsensya at meron tayong mga alagad ng pulis at medical staff na parang hindi binibigyan ng halaga ang damdamin at buhay ng tao.

sya ang breadwinner sa family at kaisa-isang anak na lalaki kaya ganun na lamang ang pagtangis ng kanyang ina. kahit hindi ako isang ina, alam kong sobrang sakit para sa kanyang ina ang makita ang kanyang anak sa ganung kalagayan.

when i started writing this kasalukuyan pa syang nag-aagaw buhay sa ospital but his mother decided to pull the plug on December 27 dahil na rin sa massive brain injury at kumalat na ang infection sa kanyang utak. Ferdie was 23.  meron daw isang testigong pumunta sa ospital at ikinuwento ang pangyayari pero ayaw na daw magsalita ngayon ng testigo. ayon sa kanya, nagpapa-load daw si Ferdie nung paluin ng baseball bat sa ulo ng barangay tanod na marahil ay nasagi nya ng kanyang motor. maraming beses daw pinalo sa ulo at kinaladkad pa. ang nakakapagtaka, wala man lang pulis na nag-imbestiga samantalang ito ay isang krimen. grabe ang hirap na dinanas ng batang ito sa kamay ng masasamang barangay tanod na ito, sana lang dumating ang panahon na pagbayaran nya o nila sa batas ang krimen na ito at para hindi na rin ito maulit pa sa ibang tao. barangay tanods and policemen are supposed to protect the people pero bakit meron sa kanilang hindi dapat pagkatiwalaan. Hindi man makamit ni Ferdie ang katarungan dito sa mundo, alam kong Dyos ang hahatol sa tao o mga taong gumawa nito sa kanya katulad ng sinabi ng Dyos sa kanyang mga Salita, “vengeance is mine.”

sa kabila ng trahedyang ito, nakita ko din ang pagkilos ng Dyos sa paghipo Nya sa puso ng aming mga kapitbahay sa pagtulong financially sa pamilyang ito. bagamat malaki pa ang utang nila sa ospital dahil umabot ng 70 thousand ang kanilang bill, alam kong God will provide for them. sa mga makakabasa nito, kung meron man sa inyong nais tumulong you can email me, fourangels@gmail.com. Sana maisama natin sa ating prayers ang pamilya Betiong.

sa aming bahay simple lang ang celebration ng pasko….every year we host a Christmas dinner para sa mga kaibigan at kasama sa simbahan, usually sa noche buena ito ginagawa.  masarap kasing ipagluto ang mga kaibigan lalo na ang mga kasama namin sa simbahan na malayo sa kanilang mahal sa buhay.  enjoy na enjoy din akong mag-bake bago dumating ang pasko katulad ngayong araw na ito, nakagawa na ko ng chocolate chip cookies, sugar cookies at banana bundt cake.  kahit nakakapagod ang magluto at mag-bake, ang sarap naman ng feeling pag nakakapagpasaya ng kapwa at nakakapag-pabusog ng sikmura.  tatlong putahe lang din ang aming inihanda…beef with toge, fish with spicy ginger sauce na isa sa aking specialty, at vegetables with tofu.  chicken na nga lang ang kulang complete menu na sya…kaya lang sa lugar na ito masyado ng nakakasawa ang manok kaya naisipan kong ibahin naman ang menu.  siguradong may kantahan pagkatapos ng kainan, hindi naman nawawala sa handaan ang karaoke pero ang pinaka-importante ay ang pag gunita ng kapanganakan ni Hesus na may dalang kaligtasan para sa lahat. 

Maligayang Pasko sa inyong lahat at masaganang Bagong Taon!!!

tagal ko ng walang post…super busy kasi sa work at wala din akong maisip na isulat. pag ganito kasing malapit na ang pasko nakaka-homesick…super nakaka-miss ang pinas! siguradong sa pinas super busy na ang mga tao sa pamimili ng regalo at pagpaplano ng party at family gatherings. dito sa saudi hindi man lang ma-feel ang pasko. nakakatamad tuloy maglagay ng christmas decorations. hindi pa rin kami nakakapamili ng regalo para sa mga kaibigan at pamilya…sa mga nakaraang pasko lagi akong excited mamili ng regalo pero ngayong pasko parang wala akong ganang mamili…hindi ko alam kung bakit. siguro hinahanap-hanap ko lang ang paskong pinas. pero hindi rin naman nawawala ang christmas gatherings dito….excited din naman ako sa nativity play ng aking mga estudayante, sana lang mag-behave sila sa araw ng aming palabas para naman matuwa ang kanilang mga magulang. i’m also looking forward sa Christmas party ng aming simbahan, masarap kasing umawit para kay Lord kasama ang mga kaibigan.

kailan kaya ulit kami makakapag-pasko sa pinas? There’s really no place like home pag ganitong mga panahon. iba kasi mag-celebrate ng pasko ang pinoy, masaya, makulay at makahulugan.

our government declared November as Punctuality Month kasi kilalang-kilala daw ang Pinoy sa pagiging late. imagine very rampant pala ang tardiness sa senado?! 3:00 pm ang start ng session pero past 3 na halos wala pa sa kalahati ang dumadating at si senator miguel zubiri ang pinaka-maraming late. nakakatawa naman….kung sino pa ang lingkod ng bayan sila pa pala ang hindi professional. kaya pala walang masyadong naaacomplish laging late pala magsimula ang session. kung tutuusin hindi lang dapat isang buwan ang punctuality month…it should be observed every single day.

naalala ko tuloy ang aking barkada nung college…palagi syang late tuwing may lakad kami at hindi lang ilang minuto minsan isang oras pa. inis na inis kami ng isa kong barkada dahil kaming dalawa laging on time. i hate tardiness…ang gusto ko lagi akong on time specially pag may kausap akong tao….hindi na baleng mauna at maghintay ako kesa naman paghintayin ko ang aking kausap kaya naman i always end up waiting. katulad na lang nung napili akong mag-judge sa foundation day ng isang Philippine school dito sa al-khobar…7:30 am daw dapat nasa venue na ko so i woke up early and before 7:30 dumating na ko sa venue. when i got there, i was among the early birds…lima pa lang yata kaming andun at nagsimula ang program ng 10 am instead of 8 am and the other judges came before 10 am. sabi ng isa sa mga judges, talagang nagpa-late daw sya kasi siguradong hindi naman magsisimula on time ang program….filipino time ika nga. hindi ko naman sinasabing hindi ako nala-late, sympre may pagkakataon na nala-late din ako pero as much as possible iniiwasan ko talagang ma-late. nakakainis lang kasi naging dahilan na ito ng mga pinoy….kung pare-parehong ganito ang dahilan, hindi talaga maso-solve ang tardiness. usong-uso sa mga schools dito ang tardiness pag may program, sa tuwing may program sa school siguradong late ng isa o minsan mahigit pa sa isang oras. hindi ko maintindihan kung bakit ganun kaya nakakainis tuloy umatend sa functions ng pinoy. i know people have their own reasons and sometimes hindi maiwasang ma-late pero kung palagi na lang late hindi na nakakatuwa at minsan ginagawa na lang excuse ang sinasabing Filipino Time.

magju-judge ulit ako sa darating na dec 14…siguradong the judges will be asked to come early. pero kahit alam ko ng late magsisimula ang program, pupunta pa rin ako ng maaga…hindi dahil sa gusto kong magpa-impress but simply because naniniwala ako na being on time is a sign of respect sa mga taong kausap mo. kaya panawagan sa mga pinoy…alisin na natin sa ating bokabularyo ang Filipino Tym…maging on time naman tayo sa lahat ng bagay.

ako’y may alaga, asong mataba…hindi lang isa kundi dalawa.  a few months after i lost my twins may nagpa-ampon sa akin ng aso.  she’s a mixed breed (shih-tzu and terrier).  naalala ko pa nung unang dinala sya sa bahay, matted ang kanyang balahibo dahil almost 6 months syang pinatago sa vet clinic so hindi sya napapaliguan ng maayos…kumbaga parang taong grasa.  so my husband and i decided na ipa-shaved ang balahibo nya para maalis ang buhol-buhol….nakakatawa itsura nya.  i became so attached with her and i guess i could say na nakatulong din sya sa mabilis na recovery ko from losing my twins.  then after a couple of months may nag-alok sa min ng puppy, mixed breed din (shih-tzu and maltese).  2 months pa lang sya when we bought him.  hindi pala madaling mag-alaga ng tuta, parang bata din kasi maya’t maya ang ihi’t dumi and you have to feed it 3-4 times a day.  

after a month i found out i was pregnant and my husband and i decided na huminto na ko sa work at sa pinas ko na ipagpatuloy ang aking pagbubuntis.  the day i left for manila, mas iniyakan ko pa ang aking mga aso kesa sa aking asawa….hahaha!  kahit aso lang sila, i treat them as my babies lalo na si Macky, kasi kami talaga ang nagpalaki sa kanya at paborito sya ng lahat….ang tawag nga namin sa kanya ay baby.  i know it sounds crazy pero i really love them…katulad ng isang ina sa kanyang mga anak.  i can’t imagine living them here pag nag for good na kami sa pinas.  kahit hindi sila nagsasalita they are a constant source of happiness para sa aming mag-asawa.

meet my babies….mawi and macky!  

mm-halloween.jpg