4angels’s Weblog

CHRISTmas tradition

Posted on: Disyembre 24, 2007

sa aming bahay simple lang ang celebration ng pasko….every year we host a Christmas dinner para sa mga kaibigan at kasama sa simbahan, usually sa noche buena ito ginagawa.  masarap kasing ipagluto ang mga kaibigan lalo na ang mga kasama namin sa simbahan na malayo sa kanilang mahal sa buhay.  enjoy na enjoy din akong mag-bake bago dumating ang pasko katulad ngayong araw na ito, nakagawa na ko ng chocolate chip cookies, sugar cookies at banana bundt cake.  kahit nakakapagod ang magluto at mag-bake, ang sarap naman ng feeling pag nakakapagpasaya ng kapwa at nakakapag-pabusog ng sikmura.  tatlong putahe lang din ang aming inihanda…beef with toge, fish with spicy ginger sauce na isa sa aking specialty, at vegetables with tofu.  chicken na nga lang ang kulang complete menu na sya…kaya lang sa lugar na ito masyado ng nakakasawa ang manok kaya naisipan kong ibahin naman ang menu.  siguradong may kantahan pagkatapos ng kainan, hindi naman nawawala sa handaan ang karaoke pero ang pinaka-importante ay ang pag gunita ng kapanganakan ni Hesus na may dalang kaligtasan para sa lahat. 

Maligayang Pasko sa inyong lahat at masaganang Bagong Taon!!!

Advertisements

4 Tugon to "CHRISTmas tradition"

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa aming mga kaibigan na sina Jom at Ana. dalawang araw na akong walang tigil sa kakakain pero nakakagutom pa rin yung mga niluto mo. masarap talagang mayroong mga kaibigan na nagluluto… at kakain ka na lamang. hirap lang at ang layo ng lugar nyo. heheh at sympre ang pinaka importante sa lahat, ang pagselebra sa pagdating ng Poong Hesus. 😉

kami din walang tigil sa kain pero para sa kin mas masarap ipagluto ang mga kaibigan, sayang nga lang at malayo ka sa min. happy new year pre!

Bigla tuloy na-lunkot…kasi i will miss your cooking and baking…dito sa Qatar walang kasing galing na cook na katulad mo… Merry Christmas and Enjoy the coming New Year! Happy Eating!

salamat bro!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

Blog Stats

  • 4,648 hits

Flickr Photos

Disyembre 2007
L L T M H B S
« Nov   Jan »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Advertisements
%d bloggers like this: