4angels’s Weblog

Archive for Enero 2008

grabe!  isang araw lang ako hindi nakapag-internet meron na agad shocking news na bumulaga sa kin…the death of Heath Ledger!  Sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya at sa very memorable role nya in Brokeback Mountain.  nakakagulat talaga!!!  talagang hindi natin hawak ang ating buhay…wala talagang makakapagsabi kung hanggang kelan tayo dito sa mundo.  sometimes naiisip ko tuloy kung hanggan kelan kaya will ni Lord na mag-stay ako dito sa mundo at anong klaseng death kaya ang naghihintay sa kin.  hindi naman ako takot mamatay dahil alam ko kung saan ako pupunta pero syempre mas gusto ko muna mag-stay dito sa mundo…masarap yatang mabuhay!  pero kung sakaling dumating ang aking oras, ang hinihiling ko lang sa Dyos ay sana hindi ako makaramdam ng matinding physical pain.  yung tipong biglaan lang.  pero syempre mahirap naman pangunahan ang Dyos.  ang mahalaga I have the assurance of salvation through Jesus Christ.

since hindi pa naman ako kinukuha ni Lord magblo-blog muna ko….hehehe!  hindi ko na yata ma-imagine ang buhay ng walang internet.  kahapon down ang server namin kaya isang buong araw akong hindi nakapag browse….feeling ko tuloy ang dami kong na-miss.   kaya ngayon hindi ako magkandaugaga sa kababasa ng mga paborito kong blogs at sites.  ubos na naman ang oras sa harap ng computer.  hindi naman ako sobrang adik sa internet pero naging part na kasi ng buhay ko ang araw araw na pagbukas ng pc, pag check ng emails, pagbasa ng blogs at pag search ng kung ano-ano sa google, parang kulang ang aking araw kung hindi ako nakakapag computer.  besides, it’s the best and fastest way to keep in touch sa mga kaibigan at mahal sa buhay.  imagine nung araw, kailangan pang maghintay ng almost 2 weeks bago dumating ang sulat kaya sobrang exciting ngayon pag nakatanggap ka ng air mail at mapapaisip ka talaga kung kanino at saan sulok ng mundo nanggaling.  wala yata akong maisip na disadvantage ng internet….siguro pag na-addict ka na, na halos buong araw mo ay nauubos na lang sa harap ng pc, disadvantage na talaga.  pero para sa mga katulad kong nasa ibang bansa, malaki ang naitutulong nito para makapagbigay ng aliw. 

Advertisements

it’s exactly 87 days before our annual vacation to our beloved country, THE PHILIPPINES! yehey! ngayon pa lang super excited na kaming umuwi. kahit mainit, madumi, madilim, matrapik at masikip sa Pinas, super miss ko pa rin sya…there’s really no place like HOME!!!

marami kaming plano sa aming pag-uwi na sana magawa namin lahat pero ang hindi pwedeng mawala ay ang mag road trip na paborito naming mag-asawa. siguro dahil na rin sa uri ng buhay dito sa saudi kaya sabik na sabik kaming mag-asawang gumala. dito kasi sa saudi bahay, opisina at malls lang ang pinupuntahan kaya pagdating sa Pinas walang humpay ang gala, tulog lang talaga ang pahinga. isama mo pa dito ang paglabas ng bahay ng hindi nakasuot ng “abaya.” dito kasi sa saudi isa lang ang attire ng babae tuwing lalabas ng bahay, ito ay ang tinatawag na “abaya”…parang toga ang style at kulay itim pa. kaya masayang-masaya ako pag nakakauwi sa Pinas dahil i can wear whatever I want to.

since summer ang aming uwi syempre hindi mawawala ang swimming…we have the best beaches in the world!!! Palawan is the best!!!

ang sarap din kumain sa tin sa dami ng klase ng pagkain at restaurants na pagpipilian kaya napakahirap mag-diet tuwing bakasyon. pero syempre ang pinaka the best sa lahat ay ang makita at makasama ulit ang aming mga mahal sa buhay at mga malalapit na kaibigan.

so see you guys in summer!!!

i went to see my OB this morning because of my very irregular period, it’s been 6 months since my last period! grabe talaga! so the doctor did an ultrasound and at first he suspected an early pregnancy so he sent me to lab for a pregnancy test. my husband and i had to wait for 30 minutes for the result. at habang naghihintay we were both very anxious and even scared. parehong hindi namin maintindihan ang pakiramdam…kung matutuwa ba kami or matatakot pero I guess mas lamang takot…financially scared kasi marami kaming financial obligations. If i get pregnant kasi hindi na ko pwedeng mag work and with his salary alone siguradong mahihirapan kami. ang first reaction talaga ng tao ay mag-alala pero habang nag-uusap kami unti-unti din naming naramdaman ang God’s peace and in fact nakapag-devise na agad kami ng plan with God’s guidance and wisdom kung anong step ang aming gagawin. After 30 minutes we went back to the doctor and the result was negative. hindi namin alam kung matutuwa kami sa result dahil at least we won’t face a major financial problem or malulungkot dahil it means hindi pa rin kami magkaka-baby. pero para sa akin mas natuwa ako hindi dahil sa ayokong magka-anak o dahil hindi kami mahihirapan financially, pero dahil sa takot kong magbuntis ulit, I just can’t bear the thought of going through another miscarriage. I’m just not yet ready to get pregnant again…I don’t know if I will ever be ready, ang alam ko lang if I get pregnant again I know I will be very scared but I also know God will take care of me and He will be my strength!