4angels’s Weblog

Archive for Pebrero 2008

bday

Posted on: Pebrero 22, 2008

mau-mack.jpg 

today is Macky’s 4th birthday!  happy happy birthday macky boy!!!  every year we celebrate his birthday and we always buy him crispy fried chicken strips….syempre ubos na ubos kasi super favorite nila ni mawi ang chicken!  we love u baby! mwah!!!

Advertisements

my baby…macky!!! isn’t he cute?!

SMS

Posted on: Pebrero 4, 2008

in this modern day and age, sending SMS is one of the fastest ways of communication.  lalo na sa pinas, mas marami ang nagte-text kesa tumatawag kasi naman mas mura ang text compared sa tawag.  dito naman sa saudi mas mura pa ang tumawag (local calls) kesa mag-text lalo na kung sandali ka lang makikipag-usap.  pero hindi naman tungkol sa call and sms rates ang aking topic, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.  tungkol saan?  tungkol sa pagte-text.  nakakainis kasi pag text ka ng text sa isang tao tapos hindi sinasagot.  isip ka ng isip kung natanggap ba nya ang text mo o baka may nangyari ng masama sa kanya kaya hindi sya sumasagot.  para sa kin napaka-rude kung hindi ka magre-reply.  hindi naman ako nagmamalinis, pero wala pa naman akong text na hindi sinagot (kung meron man, sorry po) kahit na minsan i was tempted not to reply pero iniisip ko na lang kung anong mararamdaman ko kung hindi din ako replayan ng ka-text ko.  siguro naman kahit gaano ka ka-busy you can spare a few seconds para mag-reply.  sobrang inis ko talaga ng hindi ako replayan ng aking tinext kahit tatlong beses ko na syang tinext!  pero iniisip ko na lang ang natutunan ko sa Psychology, “every person is an individual.”  ang ibig sabihin, ang bawat tao ay unique at may sariling pag-uugali.  ang tama sa kin maaring hindi tama sa iba.  iniisip ko din ang madalas kong mabasa sa Bible, “mahalin ang ating kapwa.”  kahit na minsan ang hirap gawin lalo na pag naiinis ka sa taong yun.  pwede nyong sabihin ang OA ko naman pero lagi naman sa maliit na bagay nagsisimula ang gulo.  naiinis pa rin ako pero hindi na masyado kasi naihinga ko na sa blog na ito ang aking sama ng loob.  iniisip ko na lang din she has her own reasons kung bakit hindi sya nakaka-reply and I have to respect that whether I like it or not. 

sa mga makakabasa nito, sana maging paalala ito sa atin na kahit sa text lang maipakita pa rin natin sa ating kapwa ang ating respeto sa kanila sa pamamagitan ng pag-reply sa mga SMS na ating natatanggap.