4angels’s Weblog

Archive for Marso 2008

DEAR GOD:

I want to thank You for what you have already done. I am not going to wait until I see results or receive rewards; I am thanking you right now. I am not going to wait until I feel better or things look better; I am thanking you right now. I am not going to wait until people say they are sorry or until they stop talking about me; I am thanking you right now.. I am not going to wait until the pain in my body disappears ; I am thanking you right now. I am not going to wait until my financial situation improves; I am going to thank you right now. I am not going to wait until the children are asleep and the house is quiet; I am going to thank you right now. I am not going to wait until I get promoted at work or until I get the job; I am going to thank you right now. I am not going to wait until I understand every experience in my life that has caused me pain or grief; I am thanking you right now. I am not going to wait until the journey gets easier or the challenges are removed;

I am thanking you right now. I am thanking you because I am alive. I am thanking you because I made it through the day’s difficulties. I am thanking you because I have walked around the obstacles.

I am thanking you because I have the ability and the opportunity to do more and do better.  

I’m thanking you because FATHER, YOU haven’t given up on me.

ngayon ang aming ikalabindalawang anibersaryo. i can’t believe it’s been 12 years since I said “yes” to my husband. we had a civil wedding na medyo comedy pa kasi nag buckle pa ang aking asawa habang isinusuot ang mumurahing singsing sa aking daliri. instead of saying, “wear this ring” ang kanyang nasambit ay “I wear you this ring.” it was a leap year nung kami’y ikinasal kaya lagi nyang sinasabi pinikot ko lang sya kasi he just turned 21 when we got married while I was 24. naalala ko din ang aming mumurahing singsing na binili lang sa SM for only 1200 pesos. until now hindi pa rin namin pinapalitan ang aming singsing kasi kahit mumurahin yun, it symbolizes our love and devotion for each other. naalala ko rin na hindi dumating ang kanyang ina nung aming kasal dahil sumama ang kanyang loob sa aking ina. nagkaroon kasi ng misunderstanding habang pinag-uusapan ang aming kasal. since we are born again christians, ang gusto ng aking magulang ay ikasal kami sa aming simbahan and during that time catholic pa ang aking asawa at ang kanyang pamilya kaya hindi pumayag ang kanyang ina. at since ang aking asawa ang panganay at unang ikakasal sa kanilang pamilya at ako naman ang kaisa-isang anak na babae kaya parehong pinagpipilitan ang kanilang gusto. until finally Jom and I decided na mag civil wedding na lang to be fair to everybody. pero ito ang naging dahilan ng hindi pagpunta ng aking biyenan sa araw ng aming kasal. pero after a couple of years, naging maayos din ang samahan ng aming mga pamilya and i guess I was able to prove to my mother in law na hindi lang ang kanyang anak ang aking mahal kundi silang lahat. at kahit hindi naging maganda ang aming simula, pinakita ko pa rin sa kanya ang aking paggalang at pagmamahal bilang ina ng aking asawa kaya marahil ito ang naging dahilan para mahalin at tanggapin nya ako. now I’m proud to say na napakaganda ng aming samahan.

aside from having kids of our own, one of our dreams is to renew our vow in front of our family and friends most specially his mother and my father na hindi namin nakasama nung kami’y ikinasal 12 years ago and it will be held in Tagaytay, a very memorable place for us. i know in God’s time it will happen!

Thank you Lord for this day…for the wonderful life I share with my husband, for the ups and downs, for the love we share and for the hope in our hearts that this union will go on forever!!!

buwan na naman ng pagtatapos (graduation).  ngayon ang huling araw namin sa klase at sa thursday na ang graduation ng aking mga students.  palagi na lang akong emotional sa huling araw ng klase katulad kanina hindi ko mapigilang umiyak habang nag group hug kami ng aking mga itinuring nang anak sa loob ng sampung buwan.  siguro ito na ang masasabi kong pinakamalungkot na part ng buhay ng isang guro….ang magpaalam sa kanyang mga estudyante.  bilang isang guro, hindi ko maiwasan na mapalapit ang aking loob sa kanila lalo na ngat ako’y walang anak.  kaya tuwing magtatapos ang klase, nakakaramdam ako ng lungkot and it’s really hard to let them go but they have to move on and face new challenges.  hindi lang naman lungkot ang nararamdaman ko, masaya din ako dahil sa loob ng sampung buwan, nakita ko kung pano sila nag grow at nag gain ng knowledge.  sa simula ng klase, papasok silang hindi marunong magsulat o humawak man lang ng lapis but at the end of the school year, hindi lang pagsusulat ang natutunan nila kundi pagbabasa na rin at higit sa lahat, ang tamang pakikitungo sa kapwa, pagsunod sa matanda, at pagiging independent.  i’m so proud of their accomplishments and i’m so thankful to the Lord for the wisdom and guidance He has given us throughout the school year.  Praise God!!!

today is my hubby’s bday, he’s 33.  im 4 years older than him pero hindi naman halata kasi mas mukha syang matanda sa kin, hahaha!  i decided to write about him since birthday nya naman so dapat sya ang bida sa blog ko ngayon.  i can describe my husband in so many words like mabait, malambing, very patient (with me specially) at marami pang iba.  but the word that best describes him is masayahin.  he’s my funnyman kasi lagi nya kong pinapatawa, we laugh a lot kaya laging maganda ang samahan namin.  hindi naman kami tipong baliw but we dont really take things seriously kasi ang lungkot naman kung masyadong seryoso kaya kahit wala kaming anak, masaya kaming dalawa. 

i never imagined he’ll be my husband kasi kinukurot kurot ko lang sya nung maliit sya…we live in the same village and he is my younger brother’s friend so everytime na nakikita ko sya at yung kapatid nya natutuwa ako sa kanila kasi they were both very chubby.  when i graduated in college, kaga-graduate nya pa lang ng high school so who would have thought na kami ang magkakatuluyan.  but im glad and very thankful at sya ang binigay sa kin ni Lord kasi super bait nya.  he didn’t offer me material things but only his love and his good traits.  pero syempre meron din naman syang negative traits but the good outweighs the bad.  

HAPPY, HAPPY BIRTHDAY HONEYBABY!!!  Love you very much!!!