4angels’s Weblog

Archive for Abril 2008

tomorrow’s the big day!!!  hooray!!!  super excited na talaga kami sa pag-uwi sa Pinas.  we’ve waited 10 months for this day and finally isang tulog na lang.  pero nalulungkot din ako kasi maiiwan ko ang aking mga alagang aso, kahit may mag-aalaga sa kanila hindi ko pa rin maiwasan  mag-alala at malungkot kasi maghapon silang walang kasama sa bahay.  ):  but i know they will  be fine, sana lang hindi sila magkasakit habang kami ay nasa bakasyon.  i will keep this short mag-aayos pa ko ng gamit na aming dadalhin, i hope hindi kami mag excess baggage…ang dami kasing pabili katulad ng havaianas, sampung tsinelas yata ang aming dala kasi mura dito ang havaianas, wala pang 500 pesos.  at syempre hindi mawawala ang pasalubong na nakaugalian na nating mga pinoy.  kahit every year kami umuuwi namimili pa rin kami ng pasalubong kaya hindi pa kami nakakaalis ng saudi halos ubos na ang aming pera….hehehe!!!  pero ok lang din, sabi nga, “share your blessing.”  ang sarap naman ng feeling habang inaabot mo ang iyong pasalubong at meron ngiti sa kanilang mga labi.

saan kaya kami dadalhin ng aming mga paa?  but one thing is for sure, hundreds of pictures na naman ang aming baon pagbalik dito sa May.  ang dalangin ko lang matupad lahat ng aming mga plano with God’s guidance and wisdom.  see yah!!!