4angels’s Weblog

Archive for Marso 2009

Natapos na naman ang isang school year…ang bilis talaga ng panahon!  pero bago ang aming graduation, na-stress talaga ako kaya pagkatapos na pagkatapos ng graduation ako ay nagkasakit.  ito na yata ang pinaka-stressful na graduation para sa kin, hindi ko alam kung bakit pero pagod na pagod ako pagkatapos…apat na araw din akong tulog ng tulog at hindi gumawa sa bahay.  siguro ngayon ko naramdaman ang pagod sa sampung buwan ng klase at araw-araw na trabaho sa bahay….laba, luto, plantsa, linis.  sinabayan pa ng “excitement” sa paparating naming bakasyon at pag-aalala sa aking kalusugan kaya mixed emotions talaga.  feeling ko nga magkakaron ako ng “anxiety attack” nung araw ng aming graduation sa sobrang dami ng nararamdaman sa katawan.  simula pa kasi nung isang taon, may nararamdaman na kong masakit sa kanang bahagi ng aking tiyan at bandang likuran at madalas din sumakit ang aking tiyan, parang laging sinisikmura kaya naisip ko baka may gallstones or kidney stones ako.  hinintay ko muna matapos ang klase bago ako nagpunta sa doktor para kung sakaling ooperahan ako wala na akong klase.  tatlong araw din akong nagpabalik-balik sa ospital pero sa awa ng Dyos wala naman nakita, sa madaling salita, lahat ng aking internal organs ay maayos naman pati na rin ang aking ovaries.  pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang sakit sa kanang bahagi ng aking tiyan at madalas pa rin akong sikmurain kaya naisip ko na lang na magpatingin pag-uwi sa Pilipinas at baka sakaling makahanap ng kasagutan sa aking nararamdaman.  Sa ngayon ang mahalaga nasa maayos na kondisyon ang aking mga laman-loob dahil ito rin ang aking kinatatakutan.  At dahil wala naman nakitang karamdaman sa aking katawan, syempre hindi na ako excuse sa mga gawaing bahay 😦 kaya balik na ulit ako sa aking pangalawang trabaho…taga-linis, taga-luto, taga-laba at taga-plantsa!  Pero ganado naman ako ngayon dahil labing anim na araw na lang, lilipad na kami papuntang Pilipinas…yehey!!!

Advertisements

I don’t know why I’m so affected by Francis Magalona’s death…every time there’s a tribute for him I find myself crying.  I’m not really a big fan of him kasi hindi naman ako mahilig sa rap songs but for the past 2 years I’ve been a regular visitor of his blog.  Maybe this is the reason why I feel this way kasi feeling ko naging part na sya ng buhay ko for the past 2 years.  Until now kahit patay na sya, i still click his blog in my bookmarks, naging everyday routine ko na kasi na bisitahin ang blog nya.  Like what I’ve said earlier, i’m not a big fan of rap songs but I find his music inspiring.  every time i listen to his songs, i feel so proud being Pinoy lalo na the very famous “Mga Kababayan ko.”  I really admire kung paano nya isulong ang pagiging makabayan at kung paano nya i-promote ang ating bansa.  I don’t know him personally pero nakikita ko sa kanya na sya ay isang mabuting ama sa kanyang mga anak.  I saw how responsible and loving he was to his wife and his 8 children.  sayang nga lang at maaga syang kinuha ni Lord but I do believe he has lived his life to the fullest!  Sana lang naibigay sa kanya ng gobyerno ang recognition ng sya’y nabubuhay pa.  Nevertheless, he deserves this posthomous award they are giving him.

We salute you Kiko!  thank you for the music and the inspiration to be proud of who we are!!!  Rest in the presence of the Lord!