4angels’s Weblog

graduation, vacation, health…atbp.

Posted on: Marso 24, 2009

Natapos na naman ang isang school year…ang bilis talaga ng panahon!  pero bago ang aming graduation, na-stress talaga ako kaya pagkatapos na pagkatapos ng graduation ako ay nagkasakit.  ito na yata ang pinaka-stressful na graduation para sa kin, hindi ko alam kung bakit pero pagod na pagod ako pagkatapos…apat na araw din akong tulog ng tulog at hindi gumawa sa bahay.  siguro ngayon ko naramdaman ang pagod sa sampung buwan ng klase at araw-araw na trabaho sa bahay….laba, luto, plantsa, linis.  sinabayan pa ng “excitement” sa paparating naming bakasyon at pag-aalala sa aking kalusugan kaya mixed emotions talaga.  feeling ko nga magkakaron ako ng “anxiety attack” nung araw ng aming graduation sa sobrang dami ng nararamdaman sa katawan.  simula pa kasi nung isang taon, may nararamdaman na kong masakit sa kanang bahagi ng aking tiyan at bandang likuran at madalas din sumakit ang aking tiyan, parang laging sinisikmura kaya naisip ko baka may gallstones or kidney stones ako.  hinintay ko muna matapos ang klase bago ako nagpunta sa doktor para kung sakaling ooperahan ako wala na akong klase.  tatlong araw din akong nagpabalik-balik sa ospital pero sa awa ng Dyos wala naman nakita, sa madaling salita, lahat ng aking internal organs ay maayos naman pati na rin ang aking ovaries.  pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang sakit sa kanang bahagi ng aking tiyan at madalas pa rin akong sikmurain kaya naisip ko na lang na magpatingin pag-uwi sa Pilipinas at baka sakaling makahanap ng kasagutan sa aking nararamdaman.  Sa ngayon ang mahalaga nasa maayos na kondisyon ang aking mga laman-loob dahil ito rin ang aking kinatatakutan.  At dahil wala naman nakitang karamdaman sa aking katawan, syempre hindi na ako excuse sa mga gawaing bahay 😦 kaya balik na ulit ako sa aking pangalawang trabaho…taga-linis, taga-luto, taga-laba at taga-plantsa!  Pero ganado naman ako ngayon dahil labing anim na araw na lang, lilipad na kami papuntang Pilipinas…yehey!!!

Advertisements

4 Tugon to "graduation, vacation, health…atbp."

oo nga, magpa second opinion ka sa pinas para makasiguro. Dapat naman kasi pasahan mo ng konting trabaho yang mga kasama mo sa bahay kahit tagalinis lang, wag lang si daddy ha….hehehe.

sana maka attend pa kayo ng sunday bs bago kayo magbakasyon.

tumutulong naman sila kahit papano pero syempre mas marami ang sa kin…hehehe! oo nga, mag 2nd opinion ako sa tin.

Naku, Anna, group hug tayo! Madalas din sumasakit kanang bahagi ng tiyan ko hanggang likod pero baligtad nga lang nangyari sa akin. Pag-check dito, may gall stone daw pero pagbalik ng Pinas, wala na! Try mo yung cleansing na ginawa ko supposedly to flush out gall stones, baka mag-work din sa iyo at guminhawa kahit paano ang pakiramdam mo… most probably, though, patong-patong na stress lang yan!

Don’t worry, lapit na kayong umuwi ng Pinas. For sure, mas makaka-relax at unwind ka na doon.

Will pray for you. Ingat!

really? nawala gall stones mo because of the cleansing na ginawa mo or nagkamali sa u/s? share mo naman sa kin yun. pero of course i’m still hoping na stress lang talaga. thanks for the prayers pinky! hope to see u on sunday.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: