4angels’s Weblog

Archive for the ‘kwentong pagkain’ Category

porkchop

sa mga taga Binan at San Pedro, Laguna walang hindi nakakakilala sa Tuding’s porkchop. Ayon sa kwento, the very first branch opened in Binan by aling Tuding. Nag-branch out na sila sa San Pedro at Calamba. Hindi ko lang alam kung meron pa silang ibang branch. It was only a couple of years ago when I had the chance to try their porkchop and my husband and i were instantly hooked! there’s nothing special sa porkchop nila, simpleng porkchop lang sya…prito pero malambot. it’s always serve with fried rice and egg (either sunny side up or scrambled). simpleng fried rice lang din pero masarap kasi buhaghag. at syempre ang masarap na sawsawan…suka na may kasamang chili powder…yum!!! 42 pesos ang isang order. kaya lang taon-taon paliit ng paliit ang porkchop nila at pakonti ng pakonti ang fried rice. palagi ngang biruan na baka sa susunod liliparin na ang porkchop nila sa sobrang nipis….hehehe! Pero kahit maraming kumakain sa kanila at siguradong malakas ang kita…hindi pa rin pinapalagyan ng aircon ang kanilang mga kainan. Naalala ko nung kumain kami sa Calamba branch nila, it was summer at ang daming tao kasi it was lunch time so you can just imagine kung gaano kainit sa lugar kasi mababa din ang ceiling at puro electric fan lang. Pero kahit mainit, hindi ito naging hadlang para sila ay dayuhin ng mga tao.

sa tuwing uuwi kami sa Pinas para magbakasyon, hindi pwedeng hindi kami kakain sa Tuding’s porkchop kahit alam naming masama sa kalusugan lalo na sa aking asawa na may high blood pressure, pero hindi makukumpleto ang bakasyon without Tuding’s porkchop.

for those who want to try it…meron silang branch sa loob ng pacita complex (along main road) san pedro, laguna. meron din branch sa calamba, laguna bago pumasok ng SLEX. siguradong babalik-balikan nyo ang Tuding’s Porkchop.