4angels’s Weblog

Archive for the ‘saudi’ Category

judas cavewe embarked on another road trip last thursday…we went to al-hasa, about 200 kms from our place. we went to what people called Judas Cave but it’s called “Jabel Qarah” in arabic. the first time i went there was in 1993 and there’s really nothing to see except rock formation at meron din cave na maaaring pasukan. hindi ko lang alam kung bakit tinawag na Judas cave…sabi nila dahil doon daw nagpatiwakal si Judas pero ayon sa aking ama hindi naman daw totoo…marahil mga Pinoy lang ang gumawa ng kwento. there’s really nothing spectacular sa lugar na ito pero it reminded me of God’s awesome power and wonder! sa tuwing nakakakita ako ng magandang tanawin hindi ko maiwasang hindi purihin ang Dyos dahil napakadakila at napakaganda ng creation Nya. maaring simpleng bato lang sila pero they were created by a great God at dapat maging sapat na dahilan ito upang maalala natin ang kadakilaan ng Dyos.

a few nights ago I finally decided to buy gold…last month ko pa gusto bumili kaya lang biglang nagmahal ang gold and according to our suki, hindi daw maganda bumili dahil mahal nga and he advised us to wait dahil baka bumaba pa but unfortunately mas tumaas pa nga. ang laki ng aking panghihinayang dahil yung gustong-gusto kong bracelet ay tumaas ng 300 saudi riyals. nainis tuloy kami ng husband ko sa aming suki kaya napilitan na kong bumili dahil baka mas tumaas pa. para sa inyong kaalaman…saudi is known for their gold, maganda ang quality at kilalang-kilala sa sanglaan…kumbaga, hindi ka mahihirapan isangla pag alam nilang galing saudi. hindi ako mahilig sa gold dahil sa totoo lang nababaduyan ako pero na-realized ko na maganda pala syang investment. actually late ang aking realization dahil mahal na ang ginto. when i came here in ’92 around 38 riyals lang per gram pero ngayon 96 riyals na!!! ang laki tuloy ng aking pagsisisi at hindi ako nahilig sa gold…sana marami na kong ipon. maraming Pinoy dito ang mahilig sa ginto kaya sabi nga nila, alam na alam daw pag galing ng saudi. ang sabi pa nga, pag-uwi ng Pinas balot ng ginto pagbalik ng saudi naipasok na lahat ng ginto sa sanglaan. kung iisipin, ok din naman investment ang ginto dahil maaasahan talaga pag ikaw ay nagipit. kaya naisip ko na mas mabuti kung ibili ko na lang ng ginto ang aking sobrang pera instead of buying things which I really don’t need at walang kapakinabangan. mahilig kasi ako sa damit at sapatos pero na-realized ko lately na mas maganda kung ginto na lang ang aking kahiligan. hindi ko man ito isuot at least siguradong maaasahan ko sya pag dumating ang panahon na kami ay magipit.

una sa lahat maraming salamat kay pareng charlie na nagbigay ng inspirasyon para simulan ang blog na ito. isa akong masugid na tagahanga ng mga blogs…very entertaining kasi at informative. kaya eto naisipan ko na rin gumawa ng sarili kong blog gamit ang aking sariling wika para maiba naman kasi halos lahat ng blog na nababasa ko ay english (pero sa totoo lang ayoko lang pahirapan ang sarili ko…hehehe).

nais ko rin ipakilala ang aking sarili…ako si anna liza mijares-agustin, 36 yrs old at kasalukuyang naninirahan sa al-khobar, saudi arabia. this has been my home for the last 15 yrs. I came here in ’92 to be with my family and since then dito na ko nakapagtrabaho at nakapag-asawa. But i met my husband in the Philippines pero after getting married in ’96, sinama ko na rin sya dito.

marahil nagtataka kayo kung bakit nagtagal ako ng 15 yrs dito sa saudi considering the strict culture here. well, hindi kayo nag-iisa kasi ako din nagtataka. simple lang ang buhay dito, walang gimikan dahil bawal ang alak at wala din sine kaya malls at beach lang ang pasyalan ng mga tao dito. pero sa public beach hindi rin pwedeng maligo ang babae….ang weird di ba? pero katulad ng maraming pinoy, isa kami sa nagtitiyaga sa lugar na ito for financial reasons. my husband and I are so blessed kasi magkasama kami sa lugar na ito at binigyan ako ng Dyos ng preschool which is a great source of financial blessing for us. But most importantly, dito kami mas lumago sa faith namin.

naalala ko pa when i first came here in ’92…iisa pa lang ang mall na pinupuntahan namin but after a few years, biglang nagtayo ng malaking mall kaya excited ang lahat! naalala ko din ng unang nagtayo ng McDonald’s nung 1994…grabe ang haba ng pila at lahat yata ng tao ay sobrang saya at excited (isa na ako dun)! sa loob ng 15 yrs, marami na rin nabago sa saudi…dumami na ang naglalakihang malls (sine na lang ang kulang), nagkaron ng maraming starbucks, at lahat yata ng food chains sa States ay meron na rin dito, dumami ang tao at sasakyan kaya traffic na rin, unti-unti ng nagiging modern ang kanilang kabataan. pero kabasay ng pag-usad ng panahon, tumaas ang crime rate sa bansang ito…nauso ang holdapan lalo na pag bagong sweldo ang mga tao, mostly expats ang victims specially mga babae na walang kalaban-laban. but i guess kahit saang lugar sa mundo parte na ng komunidad ang ganitong mga gawain.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kami sa lugar na ito…kung kami ang papipiliin, mas masarap manirahan sa sariling bansa. Marami na kaming kaibigan na nabigyan ng despedida…kaaalis lang ng isang malapit na kaibigan papuntang Qatar. Nagbibiruan nga kami, malamang wala ng magbigay ng despedida sa amin dahil baka kami na lang matira dito among our friends. Only God knows kung hanggang kailan kami dito….basta ang alam ko, God will let us know if it’s time for us to say goodbye to saudi arabia.