4angels’s Weblog

Archive for the ‘Uncategorized’ Category

Natapos na naman ang isang school year…ang bilis talaga ng panahon!  pero bago ang aming graduation, na-stress talaga ako kaya pagkatapos na pagkatapos ng graduation ako ay nagkasakit.  ito na yata ang pinaka-stressful na graduation para sa kin, hindi ko alam kung bakit pero pagod na pagod ako pagkatapos…apat na araw din akong tulog ng tulog at hindi gumawa sa bahay.  siguro ngayon ko naramdaman ang pagod sa sampung buwan ng klase at araw-araw na trabaho sa bahay….laba, luto, plantsa, linis.  sinabayan pa ng “excitement” sa paparating naming bakasyon at pag-aalala sa aking kalusugan kaya mixed emotions talaga.  feeling ko nga magkakaron ako ng “anxiety attack” nung araw ng aming graduation sa sobrang dami ng nararamdaman sa katawan.  simula pa kasi nung isang taon, may nararamdaman na kong masakit sa kanang bahagi ng aking tiyan at bandang likuran at madalas din sumakit ang aking tiyan, parang laging sinisikmura kaya naisip ko baka may gallstones or kidney stones ako.  hinintay ko muna matapos ang klase bago ako nagpunta sa doktor para kung sakaling ooperahan ako wala na akong klase.  tatlong araw din akong nagpabalik-balik sa ospital pero sa awa ng Dyos wala naman nakita, sa madaling salita, lahat ng aking internal organs ay maayos naman pati na rin ang aking ovaries.  pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang sakit sa kanang bahagi ng aking tiyan at madalas pa rin akong sikmurain kaya naisip ko na lang na magpatingin pag-uwi sa Pilipinas at baka sakaling makahanap ng kasagutan sa aking nararamdaman.  Sa ngayon ang mahalaga nasa maayos na kondisyon ang aking mga laman-loob dahil ito rin ang aking kinatatakutan.  At dahil wala naman nakitang karamdaman sa aking katawan, syempre hindi na ako excuse sa mga gawaing bahay 😦 kaya balik na ulit ako sa aking pangalawang trabaho…taga-linis, taga-luto, taga-laba at taga-plantsa!  Pero ganado naman ako ngayon dahil labing anim na araw na lang, lilipad na kami papuntang Pilipinas…yehey!!!

bday

Posted on: Pebrero 22, 2008

mau-mack.jpg 

today is Macky’s 4th birthday!  happy happy birthday macky boy!!!  every year we celebrate his birthday and we always buy him crispy fried chicken strips….syempre ubos na ubos kasi super favorite nila ni mawi ang chicken!  we love u baby! mwah!!!

my baby…macky!!! isn’t he cute?!

bagong taon na naman, ilang oras na lang tapos na ang 2007…ang bilis talaga ng panahon! it’s a good year para sa aming mag-asawa, maraming dapat ipagpasalamat hindi lang sa materyal na pagpapala but most of all sa spiritual blessings at good health sa buong family. Kaya ang prayer ko hindi lang para sa amin kundi para na rin sa lahat ay ang lubos na pagpapala ng Panginoon lalo na sa mga taong nangangailangan, kapayapaan sa mga taong nagdadalamhati, kasaganahan sa ating bansa, at pag-ibig at pang-unawa sa ating kapwa.


Maligaya at masaganang Bagong Taon sa lahat saan man dako ng mundo kayo naroon!!!

wow napasama din pala ako sa fastest growing blog in wordpress…i’m sooooooooooo happy!!!  biglang nainggit ang aking asawa…hahaha!!! 

salamat ulit sa mga bumisita!  god bless u all!

wow!  nagulat naman ako pagbukas ng aking blog at napasama pala ang “in memoriam” sa top post for the day…ang sarap pala ng feeling!  una sa lahat, salamat kay pareng charlie who encouraged me to start blogging (hindi pwedeng hindi kita isama sa speech ko eh!)  salamat din sa mga bumisita at nagbigay ng komento specially the words of encouragement.  syempre salamat sa aking mga munting anghel…i’m sure they are so proud of their mom.  wow, feeling ko nanalo ako ng award…hehehe!!! 

sa wakas natapos na rin ang summer dito sa saudi! medyo malamig na ang panahon kaya uso na naman ang sipon at ubo. nung araw, september pa lang malamig na ang simoy ng hangin pero ngayon specially ngayong taon na ito, october na mataas pa rin ang humidity. patunay lang na malaki na ang pinagbago ng panahon hindi lang dito sa saudi maging sa ibang bansa din katulad na lang sa Pilipinas…dati July at August dumarating ang maraming bagyo pero ngayon mas marami pang bagyo sa buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre. Marahil ito na nga ang epekto ng sinasabi nilang “global warming.”

Para sa akin mas masarap ang malamig na panahon…napakahirap kasing kumilos pag sobrang init lalo na dito sa saudi. pero hindi rin siguro maganda ang sobrang lamig. katulad nga ng kasabihan…lahat ng sobra ay hindi rin maganda. pero sana magkaroon ako ng pagkakataon na makahawak at makaranas ng snow…ang makapag-suot ng leather jacket, leather gloves, at leather boots.