4angels’s Weblog

Archive for the ‘panahon’ Category

habang akoy nanonood ng news kanina pinakita ang iba’t-ibang carnival sa pinas ang maaaring puntahan ngayong pasko. bigla ko tuloy naalala ang sikat na sikat na BIG BANG SA ALABANG nung dekada otsenta. siguro dalawa o tatlong beses lang ako nakapunta dun kasi bilang teenager that time hindi naman ako pinapayagan ng aking ina na lumabas tuwing gabi. i remember going there with my friends from church. naalala ko na halos puro kabataan ang pumupunta dun and mostly from ayala alabang kaya maraming sosi. i remember feeling envious sa mga may syota, parang masarap kasing pumunta sa carnival na meron kang kahawak kamay at kayakap…hehehe! naalala ko din ang sikat na sikat na giant slide kung saan libang na libang manood ang mga tao…nakakatuwa kasing panoorin ang reaksyon ng mga nag-i-slide. sayang nga lang at hindi ako matapang sa mga ganung klaseng challenge. ni hindi nga yata ako sumakay ng rides, basta pumunta lang kami dun, nag-ikot-ikot at kumain. hindi ko lang matandaan kung kelan nawala ang Big Bang sa Alabang basta ang alam ko maraming pinasaya ang karnibal na yun at isa na ako dun.

haayyy! malapit na naman ang pasko at pag ganitong mga panahon mas tumitindi ang homesick ng mga OFW’s. kahit magkasama kami dito sa saudi ng asawa ko naho-homesick pa rin kami lalo na pag malapit na ang pasko. matagal-tagal na rin kaming hindi nagpa-pasko sa Pinas, 2004 was our last Christmas in the Phils when my brother got married. nakaka-miss talaga ang pasko sa Pinas…pag tungtong pa lang ng September maririnig na ang christmas carols at pagkatapos ng undas, to d max na ang christmas decorations at christmas carols. nakaka-miss ang puto bumbong although meron din nagtitinda dito sa saudi pero hindi kasing-sarap. nakaka-miss ang simoy ng pasko, ang malamig na hangin sa buwan ng Disyembre, ang dami ng tao sa malls…basically, the Christmas spirit itself. dito kasi mafe-feel lang ang pasko pag medyo malapit na dahil kabi-kabila na ang christmas party ng Pinoy. kailan kaya ulit kami makakapag pasko sa pinas? siguro matagal pa…sa ngayon, we have to be thankful and content that we can still celebrate Christmas in our own little way in this Muslim country.

sa wakas natapos na rin ang summer dito sa saudi! medyo malamig na ang panahon kaya uso na naman ang sipon at ubo. nung araw, september pa lang malamig na ang simoy ng hangin pero ngayon specially ngayong taon na ito, october na mataas pa rin ang humidity. patunay lang na malaki na ang pinagbago ng panahon hindi lang dito sa saudi maging sa ibang bansa din katulad na lang sa Pilipinas…dati July at August dumarating ang maraming bagyo pero ngayon mas marami pang bagyo sa buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre. Marahil ito na nga ang epekto ng sinasabi nilang “global warming.”

Para sa akin mas masarap ang malamig na panahon…napakahirap kasing kumilos pag sobrang init lalo na dito sa saudi. pero hindi rin siguro maganda ang sobrang lamig. katulad nga ng kasabihan…lahat ng sobra ay hindi rin maganda. pero sana magkaroon ako ng pagkakataon na makahawak at makaranas ng snow…ang makapag-suot ng leather jacket, leather gloves, at leather boots.